HBD, Peps!

A bonggang-bonggang tribute to one of the angels up there.

In case hindi ka updated dyan sa taas, ganyan na ang usong batian ngayon, Sis. Shortcut ng Happy Birthday! 🙂

Pasensya na. Nakalimutan ko talaga. Buti na lang pinaalala ni Em. Sorry naman. Siguro kaya biglang sumama pakiramdam ko kanina, ‘no?! Ikaw. Binatukan mo ba ako kaya ako biglang nahilo?! Ayan naman na. Naalala ko naman na.

Tama si Em. And I quote, Mas makulay siguro ang mundo kung andito ka pa sa lupa.

Pero wala, eh. Kailangan mo na yatang kulayan ang mundo nila d’yan. So kumusta naman? Hehe

Anyway, thanks, Sis! Alam kong lagi ka lang nandyan. Nagbabantay. Nanonood. Pumipigil sa akin ‘pag may mali akong gagawin. Hinahayaan minsan para matuto naman kasi alam mo namang matalino ako (hehe). Nagtatawa ‘pag ako’y nage-emo (emote-emote moment, in case ‘di updated ang lingo d’yan). Salamat.

And just when I thought wala na akong pwedeng karamay sa pinagdadaanan ko ngayon…

You’re there.

Right where I needed you to be… closer to God para ihingi ako ng strength to get through this.

Thank you, Sis. I miss you.

Image

To complete your special tribute, ninenokan kita ng picture ng sunflowers at pine tree. Hope you like it. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s